Community Consultation Questionnaire - Tagalog
0%

1. Hinggil sa proyekto

Ano ang pananaliksik na ito at bakit ito kinakailangan?
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa bilang bahagi ng isang mayor na proyekto kaugnay ng pagbubuo at paghahatid ng bagong hate crime at hate incident support service (serbisyong nagbibigay-suporta) at reporting service (serbisyo para sa pag-uulat) para sa lahat ng mamamayan sa UK na itinuturing ang kanilang mga sarili bilang bahagi ng mga komunidad ng Silangan at Timog Silangang Asya, kabilang na ang bagong dating na mga status holder (may hawak na katayuan) ng Hong Kong BN(O).
Layunin ng proyektong ito na lumikha ng isang nagsasariling serbisyong may tatak at tiwala ng komunidad, aksesible at mahusay gamitin, kabilang ang 24/7 helpline at website, na aalis sa mga hadlang sa pag-uulat. Titiyakin nito na ang mga biktima ng mga hate crime mula sa mga komunidad ng Silangan at Timog Silangang Asya ay mabibigyan ng mga paraang makatanggap ng suportang kanilang kinakailangan.
Ang iyong mga sagot sa survey ito ay makatutulong sa paghulma ng disenyo ng naturang bagong serbisyo.


Sinu-sino ang tagapaghatid ng proyektong ito?
Mayroong 14 organisasyon ang kabilang sa Consortium na naghahatid ng proyektong ito. Ang mga organisasyong ito ay napili dahil sila ay mga pambansa at rehiyunal na mga grupong nakabase-sa-komunidad (community-based groups) na may kahusayan sa pag-uulat at pagpapalaganap ng impormasyon upang maiwasan ang mga hate crime at hate incident; gayundin, sa pagsuporta sa mga biktima ng racial violence mula sa komunindad ng Silangan at Timog-Silangang Asya.

Sino ang nagpondo ng proyekto?
Nagawaran ang Consortium ng Third Party Hate Crime Reporting Service Fund mula sa Department of Levelling Up, Housing and Communities. Ang pananaliksik ay pinamumunuan ng End Violence and Racism Against East and Southeast Asian Communities (EVR) na kabilang sa mas malawak na 14 organisasyong tagapaghatid ng proyektong ito.
.
Bakit kayo napiling sumagot sa survey/dumalo sa palihan (workshop) o focus group?
Nais naming makapag-ambag mismong ang mga taga-Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagbubuo ng serbisyong ito para sa kanila/inyo. Ang inyong partisipasyon bilang indibidwal o parte ng isang organisasyon o grupo ay malugod naming tinatangkilik.
    
Ano ang anyo ng survey?

Ang survey ay binubuo ng 26 na tanong na sasagutan sa pamamagitan ng multiple choice o text. Tinatayang 10-20 minuto ang kakailanganin para tapusin ito.
Kailangan ko ba itong tapusin?
Hindi ka obligadong lumahok kung hindi mo nais. Sa proseso ng pagsagot, maaari kang tumigil sa anumang bahagi at piliing huwag nang isumite ang iyong mga tugon. O ‘di kaya naman, maaari kang agad nang tumungo sa dulo ng survey upang magsumite kahit na hindi kumpleto ang iyong mga sagot, basta’t natapos mong sagutan ang mandatory questions sa Seksyon 1.

Ano ang aming gagawin sa impormasyong ibinigay ninyo sa amin?
Ang inyong personal na impormasyon ay mananatiling anonymous at walang paraan para malaman ang anumang personal na impormasyon ukol sa inyo batay sa inyong mga sagot. Gagamitin ang inyong mga sagot para makapaglabas ng isang ulat na makakatulong sa pagbubuo ng disenyo ng serbisyo. Ang inyong mga sagot na anonymous ay magiging aksesible lamang para sa mga kasapi ng Consortium.

Ano ang kasunod?
Para makakuha ng updates ukol sa pag-unlad at pagbubuo ng serbisyong ilulunsad sa huling bahagi ng Spring 2022, maaaring mag-sign-up sa mailing list dito. Ang inyong personal na impormasyon ay mananatiling ligtas at anonymous at walang kaugnayan sa inyong partisipasyon dito.
Salamat sa pagbasa. Maaari ka nang tumungo sa mga tanong sa susunod na pahina. Para sa mga katanungan,  maaaring mag-email sa info@evresea.com.